^

Probinsiya

Manliligaw na Engkanto

- Ni Maricel Pille Castillo -
(Huling bahagi)
SAMAR – Bakit inilalayo siya ng kanyang mga magulang kay Jerico na nakita niya ang karangyaan sa lugar nito maging ang bahay ng lalaki na napakalaki na animo’y palasyo ay maaari siyang mabigyan ng magandang kinabukasan kung iyan ang iniisip ng kanyang mga magulang.

"Anak, ayaw gad hito pagkinaruyag nga engkanto. Dire ito naton hiya kapareho" (Anak, huwag ka magkakagusto sa engkanto na iyan. Hindi natin siya kauri), maluha-luhang pakiusap ng kanyang ina. Subalit hindi iyon inalintana ni Ana nagkakamali sila, hindi engkanto si Jerico bulag lamang sila upang hindi makita ang kakisigan nito. Mahal niya si Jerico, iyon ang tanging alam niya kaya nagpasya siya na sa pagbabalik ni Jerico ay sasama na siya dito.

Madalas siyang dinadalaw nito sa tuwing siya’y matutulog. Ginigising siya nito, minsan hinaharana. "Upod na ha akon" (Sumama ka na sa akin). Alam niya hindi siya mabubuhay kung wala si Jerico kaya sasama siya dito. Tamang-tama tulog ang kanyang mga bantay. Mabilis siyang binuhat ni Jerico at akmang tatalon na ito sa bintana ay nagising ang kanyang ina.

"Diyos ko! Buligi n’yo tak anak nalutaw ha hangin tak anak" (Diyos ko! Tulungan n’yo ang anak ko nakalutang sa hangin ang anak ko), sukat doon ay nagising ang manaram (albularyo). Kaagad nitong winisikan ng lana si Jerico na siyang dahilan upang ito’y magtatakbo at hindi na bumalik pa.

Nasa ikatlong taon na ngayon si Ana sa kanyang kurso na Engineering. Malimit siyang sumali sa mga beauty pageant sa Samar partikular sa kanilang bayan sa Calbiga at minsan habang siya’y nasa stage at rumarampa ay nakita niya ito sa likod ng mga judges, nakangiti subalit naroon pa rin ang lungkot sa mga mata nito. Gusto niya itong lapitan subalit nanaig ang kanyang takot sa manaram (albularyo) na nasa tabi ng kanyang ina na nanunuod din sa contest. Kaylan nga ba mabibigyan ng katuparan ang kanilang pag-iibigan ni Jerico? (Kuwento ng isang 20-anyos na beauty titlist ng Barangay Polangi, Calbiga, Samar)

ALAM

ANAK

BARANGAY POLANGI

CALBIGA

DIYOS

JERICO

KANYANG

SAMAR

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with