Manliligaw na Engkanto (1)
October 3, 2006 | 12:00am
SAMAR Binansagang "Land of Beauty" ang Calbiga dahil sa kakaibang alindog ng mga kadalagahan sa lugar na ito, kaya naman dito naghanap ng mapapangasawa ang isang guwapo na si Jerico.
Sa salaysay ng isang 20-anyos na kolehiyala na si Ana Abadiano ng Barangay Polangi, Calbiga, Samar, nakilala niya si Jerico minsan sa kanyang pag-iisa sa pinapasukang kolehiyo sa Catbalogan. Mataman itong nakatingin sa kanya. Ayon pa sa pagsasalaysay ng 20 taong kolehiyala, hindi niya makalimutan ang mukha nito. Matangos ang ilong, cliff chin, malamlam ang mata na animoy may itinatagong kalungkutan.
Naging masugid niya itong manliligaw. Araw-araw binibigyan siya nito ng mga bulaklak, sinusundo sa paaralan at minsan ipinapasyal sa lugar nila. Paraiso kung ituring ni Ana ang lugar ng lalaki. "Kon maruruyag ka ha akon aanhi ka na maukoy" (Kung magkakagusto ka sa akin dito ka na titira), nakangiting pahayag ng lalaki subalit isang "Ay, dire pa man pwede kay naeskwela pa ako" (Ay, hindi pa pwede kasi nag-aaral pa ako) ang isinasagot ni Ana.
Naging bukam-bibig na niya ito sa kanyang mga kaklase, minsan nasa canteen sila at nang kanyang mga kaklase nang makita niya ito sa labas, nakatayo sa mayabong na puno ng acacia, ganun parin ang ekpresyon ng mukha nito. Naisip niyang ipakilala ito sa mga kaklase niya.
"Girls, I think its about time na makilala nyo siya", sabay tayo at nilapitan niya ang lalaki. Parang nahintakutan na nagtatakbo ang kanyang mga kaklase hindi niya iyon alintana basta ang alam niya maligaya siya na nakita muli ang lalaki.
Naging kakaiba na ang ikinikilos ng kanyang mga kaklase. Sa tuwing may tinitingnan siya agad nila itong sinusundan. Pati sa kanilang bahay sa Calbiga ay napapansin niyang parati na siyang binabantayan ng kanyang mga kamag-anak at ang kinaiinisan niya ang isang manaram (albularyo) na siyang dahilan na naging madalang na ang pagdalaw ni Jerico sa kanya. Nawawalan na siya ng sigla. (Kuwento ng isang beauty titllist). (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest