Jeep nilamon ng ilog: 22 patay
October 3, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawamput dalawa katao ang iniulat na nasawi matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig-baha sa ilog ang isang pampasaherong jeep na kinalululanan ng may 40-katao sa bayan ng Igbaras, Iloilo, kahapon ng umaga.
Sa inisyal na ulat, kasalukuyang tumatawid sa tulay ang isang overloaded na jeep sa mabundok na bahagi nang tangayin sa Tangyan River bago magtanghali.
Tuluy-tuloy na nilamon ng ilog ang jeep na siyang ikinasawi ng mga biktima.
Sa kasalukuyan ay beneberipika pa ng mga awtoridad ang pagkikilanlan ng mga nasawing sibilyan.
Ayon sa tagapagsiyasat ng pulisya, may 22 bangkay na kabilang ang dalawang bata ang narerekober ng rescue team sa lugar at dalawa pa ang pilit inaahon matapos na lumutang ang mga bangkay.
Nabatid pa na kasalukuyang binabaybay ng jeep ang nasabing tulay ng tangayin ito ng malakas na agos ng tubig-baha hanggang sa mahulog sa tulay at lamunin ng ilog ang naturang behikulo na nagbunsod ng trahedya.
Sa salaysay ng mga survivor, nabigo ang driver na kontrolin ang manibela dahil masyadong mabilis ang daloy ng malakas na tubig-baha na dulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa lugar.
May anim-katao ang nailigtas nang nagrespondeng pulisya habang patuloy na pinaghahanap ang may pito pa sa mga lulan nito. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended