6 dedo sa flashflood
September 30, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Anim-katao ang iniulat na nasawi habang labimpitong kabahayan ang inanod matapos na umapaw ang malaking ilog sa Brgy. San Francisco, General Trias, Cavite, ayon sa ulat kahapon.
Isa sa mga namatay ay si Remigio na lumutang sa ilog ng Brgy. Bacao, General Trias habang ay iba ay hindi mabatid ang pagkikilanlan. Kasabay nito, isinailalim na kahapon sa state of calamity kahapon ni National Disaster Coordinating Council (NDCC) Chairman at Defense Secretary Avelino Cruz Jr., matapos itong makipagtalastasan kay Cavite Governor Ireneo "Ayong" Maliksi.
Nabatid sa ulat ni Maliksi na may 67,190 pamilya o 311,382 katao ang naapektuhan sa kanilang lalawigan habang naitala naman sa 17,523 kabahayan ang nawasak ng bagong Milenyo.
Sinabi ng gobernador na hiniling na niya ang tulong ng Philippine National Red Cross at Philippine Navy.
"Malaki ang kailangan para ma-rehabilitate", ayon sa gobernador.
Sa kabuuang bilang ng mga namatay sa Cavite dulot ng bagyong Milenyo, kabilang sa mga nasawi ay sina Rolando Landicho, 42, ng Brgy. Digman, Bacoor; Niki Milo, 87, ng Brgy. Poblacion, Imus; Rowel Iriveo, Rosalyn Iriveo at Abrahim Abunado ng Brgy. Silang, Tagaytay. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am