Traffic enforcer dedo sa pulis
September 29, 2006 | 12:00am
CALAMBA CITY, Laguna Isang miyembro ng Calamba City Traffic Management Office (CCTMO) ang iniulat na napatay matapos makipagbarilan sa nakaaway na pulis sa loob ng videoke bar sa Barangay Parian, Calamba City, Laguna kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronnie Torres, 38, ng Barangay Mayapa, Calamba City. Sumuko naman ang suspek na si PO1 Randolf Deselio, naka-assign sa bayan ng Sta Cruz , Laguna kasama si PO1 Ericson Gecolea at dalawa pa nitong kasamahang pulis. Sa inisyal na imbestigasyon, nag-iinuman ang grupo ng mga CCTMO kasama ang biktima sa Discovery Videoke Bar and Restaurant nang makasagupa nila ang grupo ng mga pulis bandang alas-12:30 ng madaling-araw. Napag-alamang nagsasagawa ng operation ang mga pulis sa Barangay Parian matapos makatanggap ng intelligence report na may mga gumagalang supporters ng New Peoples Army sa naturang lugar. Natiyempuhan ng mga pulis ang grupo ng biktima na may naka-umbok na baril sa beywang ng isa sa mga ito at nang sitahin ni Gecolea ay bigla na lamang nagpaputok hanggang sa mapatay si Torres. (Arnell Ozaeta)
CAMP CRAME Maagang napariwara ang buhay ng isang 4-anyos na batang babae makaraang halayin ng isang 19-anyos na lalaki na pinaniniwalaang lango sa droga sa Barangay Anabia 1, Echaghue, Isabela kamakalawa. Ang biktimang itinago sa pangalang "Grace" ay agad na isinugod sa ospital para sumailalim sa medikasyon. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Lito Sapuay na mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen. Lumilitaw sa imbestigasyon na ang biktima ay inihabilin ng mga magulang nito sa suspek dahil ang ama ng bata ay mag-aani ng mais habang ang kaniyang ina naman ay maglalaba.Dinala umano ng suspek ang bata sa likod ng isang elementary school sa naturang barangay at isinagawa ang maitim na balak. (Joy Cantos)
CAMP CRAM E Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng isang 50-anyos na magsasaka makaraang dukutin ay pinahirapan pa saka pinagtataga ng mga armadong kalalakihan at itinapon sa palayang sakop ng Sitio Mahogany, Barangay Puey, Sagay City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Emilio Opinio ng Sitio Bago, Barangay Makiling ng bayang nabanggit. Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima noong Lunes na kinakaladkad ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New Peoples Army. May teorya ang pulisya na may kaugnayan ang pamamaslang sa lupaing sinasaka ng biktima. (Cesar Cezar)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 8 hours ago
By Cristina Timbang | 8 hours ago
By Tony Sandoval | 8 hours ago
Recommended