Mga Armas Tinangay: Security agency sinalakay ng NPA
September 29, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Sinalakay ng mga armadong rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang security agency bago tinangay ang mga malalakas na kalibre ng baril sa Mampising, Barangay Tagnanan sa bayan ng Mabini, Compostella Valley kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng Police Regional Office 3, dakong alas-7 ng gabi nang salakayin ng mga rebelde ang ACD Security Agency na nakabase sa Barangay Turtoga Valley Plantation, Inc.
Nabatid na ang mga rebelde ay dumaan sa likurang bahagi ng plantasyon at isinagawa ang kanilang pagsalakay. Wala namang nagawa ang mga security personnel matapos na tutukan ng baril at isat isang disarmahan ng mga rebelde.
Kabilang sa natangay ay isang M16 rifle na may anim na bala at isang mahabang magazine, tatlong shotgun na may 67 bala, dalawang cal. 38 revolver, tatlong handheld radio atbp.
Ang mga rebelde ay mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Upper Pangibiran lulan ng dalawang public utility L 300 vans na kulay puti, isang Elf truck at isa pang L 300 van na may plaka namang LWL736.
Tugis naman ng mga elemento ng 110th Provincial Police Mobile Group at ang Armys 101st Brigade ang mga rebelde. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended