^

Probinsiya

10 hepe ng pulisya, ipinasisibak

-
CAMP CRAME – Sampung hepe ng pulisya ang inirekomenda ng Task Force Anti-Illegal Gambling ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na sibakin sa puwesto dahil sa kabiguang masugpo ang operasyon ng jueteng sa kanilang hurisdiksyon.

Ayon kay Anti-Gambling Task Force at PNP-CIDG Chief Director Jesus Versoza, kumpirmadong nagpapatuloy ang operasyon ng jueteng sa mga munisipalidad na nasasakupan ng sampung opisyal na kinabibilangan ng mga hepe ng San Agustin, Benito Soliven, Echague at Jones na pawang nasa Isabela; Calumpit, Bulacan; Naic, Cavite; Pagbilao, Quezon; Tanauan, Batangas, hepe ng Batangas City at Tabaco City sa Albay.

Sa isinumiteng ulat ng Anti-Illegal Gambling Task Force, simula Agosto 31 hanggang Setyembre 25, 2006 ay may 11 anti-illegal gambling operations ang naisagawa sa nasabing mga lugar na nasasakupan ng Region 2, 3, 4-A at 5.

Umaabot naman sa kabuuang 107-katao ang nasakote at nasampahan ng kasong kriminal. Naitala naman sa P25,070.75 ang nasamsam na taya sa operasyon ng jueteng at iba’t ibang uri ng mga paraphernalia ang nakumpiska.

Ayon kay Versoza, ang rekomendasyon para sibakin ang nasabing mga hepe ay isinumite na nila sa tanggapan ni PNP Chief Director General Oscar Calderon, kaugnay ng ipinatutupad ng PNP na one strike policy laban sa jueteng.

Samantala, binalaan din ang mga kumander ng pulisya na sisibakin sa puwesto sa sandaling mahagip sa one strike policy kontra sa mga sugalan. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANTI-GAMBLING TASK FORCE

ANTI-ILLEGAL GAMBLING TASK FORCE

AYON

BATANGAS CITY

BENITO SOLIVEN

CHIEF DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

CHIEF DIRECTOR JESUS VERSOZA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with