Kinilala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang opisyal na nasamsaman ng mga ilegal na kahoy na si Andres O. Bonifacio na posibleng masibak sa puwesto matapos na madiskubre ng mga awtoridad na may itinatagong 3,000 board feet na gmalina at narra sa kanyang bahay.
Ayon kay Nerie Carpio, regional public affairs officer ng DENR-Cagayan Valley, na nakatakda nang humarap sa administrative hearing si Bonifacio bago pormal na kasuhan sa korte dahil sa paglabag sa Presidential Decree 705 o mas kilala bilang Anti-Illegal Logging Law.
"The hearing for next week is just a formality as there was already semblance of probable cause (to warrant the filing of a case) against him", pahayag ni Carpio.
Lumalabas din sa imbestigasyon ng DENR na ang mga nakumpiskang ilegal na kahoy kay Bonifacio ay walang kaukulang papeles at mula pa sa mismong protected reforestation ng DENR sa Barangay Guiddam, Abulug Cagayan.
Iginiit ni Clarence Baguilat, DENR director ng Cagayan Valley na walang sinasanto ang pagpapatupad nila ng batas maging sinuman ang masasagasaan para protektahan ang ating kabundukan at kapaligiran. (Victor P. Martin)