^

Probinsiya

Director ng PCA kinasuhan

-
TUGUEGARAO CITY, Cagayan — Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang director ang Phil. Coconut Authority ng rehiyon ng Cagayan Valley na kapangalan pa ng isa sa iginagalang at ipinagmamalaking bayani ng Pilipinas makaraang makumpiskahan ng iba’t ibang uri ng ilegal na kahoy sa loob mismo ng kanyang tahanan sa bayan ng Pamplona, Cagayan.

Kinilala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang opisyal na nasamsaman ng mga ilegal na kahoy na si Andres O. Bonifacio na posibleng masibak sa puwesto matapos na madiskubre ng mga awtoridad na may itinatagong 3,000 board feet na gmalina at narra sa kanyang bahay.

Ayon kay Nerie Carpio, regional public affairs officer ng DENR-Cagayan Valley, na nakatakda nang humarap sa administrative hearing si Bonifacio bago pormal na kasuhan sa korte dahil sa paglabag sa Presidential Decree 705 o mas kilala bilang Anti-Illegal Logging Law. 

"The hearing for next week is just a formality as there was already semblance of probable cause (to warrant the filing of a case) against him", pahayag ni Carpio.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng DENR na ang mga nakumpiskang ilegal na kahoy kay Bonifacio ay walang kaukulang papeles at mula pa sa mismong protected reforestation ng DENR sa Barangay Guiddam, Abulug Cagayan.  

Iginiit ni Clarence Baguilat, DENR director ng Cagayan Valley na walang sinasanto ang pagpapatupad nila ng batas maging sinuman ang masasagasaan para protektahan ang ating kabundukan at kapaligiran. (Victor P. Martin)

vuukle comment

ABULUG CAGAYAN

ANDRES O

ANTI-ILLEGAL LOGGING LAW

BARANGAY GUIDDAM

BONIFACIO

CAGAYAN VALLEY

CLARENCE BAGUILAT

COCONUT AUTHORITY

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

NERIE CARPIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with