Kinidnap na trader, pinalaya na
September 27, 2006 | 12:00am
LEGAZPI CITY Pinalaya na ng mga kidnaper ang isang 27-anyos na negosyante matapos na magbayad ng ransom money ang pamilya nito kahapon na madaling-araw sa bayan ng Mobo, Masbate.
Bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang pakawalan si John Paul Rivas sa isang barangay sa bayang nabanggit.
Base sa impormasyon, humihingi ng ransom ang mga kidnaper na P30 milyon para sa kalayaan ng biktimang binihag ang mga grupong "Waray".
Sa record ng pulisya, ang biktima ay dinukot habang papauwi sakay ng motorsiklo noong Lunes, Sept. 18 kung saan may dalang P.1 milyon at narekober ang inabandonang motorsiklo may ilang kilometro ang layo sa labas ng Lungsod ng Masbate.
Nabatid na humingi na ng tulong ang pamilya ng biktima sa mga tauhan ng Presidential Anti-Crime and Emergency Response ng Camp Crame.
Ang biktima ay iniwanan na lamang ng mga suspek sa isang lugar na bayan ng Mobo na kung saan ito ay tumawag sa kanyang pamilya upang sunduin.
Hindi pa mabatid na impormasyon kung magkano ang ibinayad ng pamilya sa mga kidnaper ng biktima na kasalukuyan ay nasa kamay na ng mga awtoridad. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest