Ayon kay Paulino, pawang mga kasinungalingan ang sinabi ni Nelson Marmeto, alyas "Nelson Tulpo", part-time announcer ng dwGO nang paratangan siyang pagbawalang papasukin ni Paulino sa kanyang opisina.
Ginagamit lamang aniya si Marmeto ng mga kalabang pulitika para lamang siraan ang pagkatao nito sa pamamagitan nang maling pahayag sa radyo kung saan pag-aari ni Olongapo Mayor James "Bong" Gordon Jr., ang nasabing istasyon ng radyo.
"Maliwanag na isang paninira ang lahat ng ito dahil walang katotohanan ang sinabi ni Marmeto sa kanyang programa na hindi ko raw siya pinapasok sa aking opisina, sino ba naman ako para hindi siya papasukin sa kabila ng kanyang kalagayan, bukas ang aking tanggapan kaninuman", dagdag ni Paulino.
Naniniwala si Vice Mayor Paulino na ang ginawang paninira sa kanya ay paraan lamang ng mga kalaban sa pulitika para maibaling ang atensyon ng mamamayan ng Olongapo sa kasong kurapsyon na isinampa nila ni Konsehal Atty. Noel Atienza sa Ombudsman kaugnay sa P27-milyong garbage truck scam laban kay Mayor Gordon.
Inakusahan ng nasabing komentarista si Paulino ng harassment matapos na personal na magtungo sa kanyang programa noong Biyernes upang resbakan na mariin namang pinabulaanan ng lokal ng opisyal. (Jeff Tombado)