^

Probinsiya

Vice mayor ng Gapo, pinagpipilitang pabagsakin

-
OLONGAPO CITY – Pinaniniwalaang demolition job lamang ang paratang kay Olongapo City Vice Mayor Rolen C. Paulino ng kanyang mga kalaban sa pulitika makaraang akusahan siyang nang-harass ng isang komentarista sa isang lokal na istasyon ng radyo na pag-aari ng alkalde ng Gapo noong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Paulino, pawang mga kasinungalingan ang sinabi ni Nelson Marmeto, alyas "Nelson Tulpo", part-time announcer ng dwGO nang paratangan siyang pagbawalang papasukin ni Paulino sa kanyang opisina.

Ginagamit lamang aniya si Marmeto ng mga kalabang pulitika para lamang siraan ang pagkatao nito sa pamamagitan nang maling pahayag sa radyo kung saan pag-aari ni Olongapo Mayor James "Bong" Gordon Jr., ang nasabing istasyon ng radyo.

"Maliwanag na isang paninira ang lahat ng ito dahil walang katotohanan ang sinabi ni Marmeto sa kanyang programa na hindi ko raw siya pinapasok sa aking opisina, sino ba naman ako para hindi siya papasukin sa kabila ng kanyang kalagayan, bukas ang aking tanggapan kaninuman", dagdag ni Paulino.

Naniniwala si Vice Mayor Paulino na ang ginawang paninira sa kanya ay paraan lamang ng mga kalaban sa pulitika para maibaling ang atensyon ng mamamayan ng Olongapo sa kasong kurapsyon na isinampa nila ni Konsehal Atty. Noel Atienza sa Ombudsman kaugnay sa P27-milyong garbage truck scam laban kay Mayor Gordon.

Inakusahan ng nasabing komentarista si Paulino ng harassment matapos na personal na magtungo sa kanyang programa noong Biyernes upang resbakan na mariin namang pinabulaanan ng lokal ng opisyal. (Jeff Tombado)

BIYERNES

GORDON JR.

JEFF TOMBADO

KONSEHAL ATTY

MARMETO

MAYOR GORDON

NELSON MARMETO

NELSON TULPO

NOEL ATIENZA

PAULINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with