^

Probinsiya

Killer ng Cagayan mayor, tugis

-
TUGUEGARAO CITY – Iniutos na kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Calderon ang malawakang manhunt operation sa mga killer ni Cagayan Mayor Nathaniel Oña na pinagbabaril ng hindi nakilalang mga salarin sa Poblacion, Allacapan, ng nasabing lalawigan noong Sabado ng gabi.

Si Oña, 59-anyos, incumbent mayor ng Allacapan ay dead-on-arrival sa Christian Hospital sa Aparri, Cagayan matapos na magtamo ng grabeng tama ng bala mula sa cal. 45 pistol sa kaliwang pisngi.

Ang insidente ay naganap sa bisinidad ng gasolinahan na pag-aari ng alkalde sa Poblacion ng nasabing bayan bandang alas -7 ng gabi. Ang alkalde ay nasa ikalawang termino na sa serbisyo o 11 taon matapos itong magsimulang manungkulan sa nasabing bayan noong 1992.

Nabatid na biglang sumulpot sa lugar ang dalawang armadong salarin na lulan ng motorsiklo at agad na binaril ang alkalde. Ayon sa mga saksi isa sa mga suspek ay may taas na 5’10 at nakasuot ng maong na pantalon.

Kasabay nito, agad namang binuo ni Chief Supt. Jefferson Soriano Cagayan Valley Police Director ang Task Force Oña upang lutasin ang nangyaring krimen. (Victor Martin At Joy Cantos )

ALLACAPAN

CAGAYAN MAYOR NATHANIEL O

CHIEF DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

CHIEF SUPT

CHRISTIAN HOSPITAL

JEFFERSON SORIANO CAGAYAN VALLEY POLICE DIRECTOR

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SI O

TASK FORCE O

VICTOR MARTIN AT JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with