Mag-amang sinakluban ng misteryo - Part 1

SAMAR — Tila bangungot ang dinanas ng mag-amang mangingisda ng Sto. Niño, Samar makaraang mapadpad ang kanilang bangka sa mahiwagang isla na kung tawagin ay Beringan City.

Ika-12 ng Mayo 2006, gumagapang pa lang ang liwanag ay pumalaot na ang mag-amang Daminao, 57 at Danilo Golong, 24 at bagama’t masama ang panahon dulot ng bagyong "Caloy" ay buong tapang nilang iniusad ang kanilang bangkang-de-motor sa pagbabakasakaling makalambat ng isda na pang-ulam.

Dalawang oras na silang nasa laot nang biglang lumakas ang ulan at hangin kaya nagpasya ang mag-amang Golong na humanap ng matataguan. Sa salaysay ng mag-ama, natatakpan na ng borong (hamug) ang paligid nila, kaya para silang nangangapa habang nagsasagwan hanggang masadsad sila sa isang isla.

t?), tanong ni Danilo. "Ambot, Barangay Tumagingting ada di ngani Barangay Baybay" (Ewan ko, Barangay Tumagingting siguro o di kaya’y Barangay Baybay).

Sa pag-aakalang karatig isla lamang ang kanilang kinaroroonan dali-dali silang bumaba sa bangka hanggang sa marinig ng mag-ama ang tugtugan na animo’y may kasayahan.

Sinuyod ng mag-ama ang isla at parang wala naman silang nakitang bakas ng bagyo, kaya nagtaka ang dalawa.

"Oy Pade, kakanu kamo nadisgrasya?" (Pare, kaylan kayo naaksidente), tanong ng isang lalaki na nakasalubong ni Mang Damian.

Parang inalihan ng takot si Mang Damian dahil pamilyar ang mukha ng lalaki, kaya hindi ito sumagot at nagpatuloy lang silang naglakad.

Sa pagkakaalam ni Mang Damian ang lalaking nakasalubong nila ay patay at ito ay ang kanyang kumpareng Poncing, pero, bakit naroon ito at buhay-na- buhay?

(Itutuloy)

Show comments