^

Probinsiya

8 katao hulog sa bangin, durog

-
CAMP CRAME – Kamatayan ang sumalubong sa walong sibilyan habang labing-apat katao ang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang pampasaherong jeepney ng mga biktima dahil sa landslide sa highway na sakop ng Sitio Manangor, Barangay Tonglayan, Natorin, Mountain Province kamakalawa ng hapon.

Base sa ulat na isinumite ng hepe ng Office of the Civil Defense — Cordillera na si Vicente Tomazar, kabilang sa mga nasawi ay sina Arnold Atangen, 36; Amy Lumiwes, 28; Lailani Liwanen, 28; Nardo Orobiano, 37; Victoriano Gayuchan, 65; Engr. Virgilio Tao-ey, 40; Brando Chumawin, 22; at Bong Baguilat, 36, na pawang naninirahan sa nabanggit na bayan.

Naisugod naman sa Natonin Municipal Hospital at Bontoc General Hospital sina Placido Chumawin, Cecilio Ewangan, Johnny Mabanag, Rodolfo Liwanen, Ricardo Pilay, Ronel Foy-awan, Camara Dangilan, Alex Poleg, Abner Chumawin, George Sipoten, Bocida Pilay, Ambrocio Simeon at Tony Porag.

Nabatid na patungo sa kabayanan ng Natonin ang pampasaherong jeepney na may plakang AYC 843 nang itigil ng drayber na si Jose Beguiled Jr. upang alisin ang nakaharang na bato sa highway sanhi ng pagguho ng mabatong bundok dahil sa lakas ng ulan.

Isang lalaking pasahero ang nagboluntaryong bumaba at nagsimulang alisin ang mga nakaharang na bato nang biglang dumausdos ang mas malalaking bato na sumalpok sa jeepney at itinulak ang sasakyan sa tagiliran ng highway hanggang sa mahulog ito sa may 50 metrong lalim na bangin.

Sa talaan ng Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources, lumilitaw na ang bayan ng Natonin ay landslide prone areas. (Joy Cantos At Artemio Dumlao)

ABNER CHUMAWIN

ALEX POLEG

AMBROCIO SIMEON

AMY LUMIWES

ARNOLD ATANGEN

BARANGAY TONGLAYAN

BOCIDA PILAY

BONG BAGUILAT

BONTOC GENERAL HOSPITAL

BRANDO CHUMAWIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with