^

Probinsiya

31 mag-aaral na-food poison

-
CAMP CRAME – Tatlumpu’t-isang mag-aaral sa elementarya ang naospital matapos na malason sa kinaing expired na biskuwit na may tsokolate sa Koronadal City, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon. Ang mga biktimang estudyante sa Koronadal City Central Elementary School na sumakit ang tiyan, nahilo at nagsusuka ay agad na naisugod sa South Cotabato Provincial Hospital.Nabatid na ang mga biktima ay kumain ng chocolate wafers na posibleng kontaminado ng bacteria sa kanilang recess dakong alas — 10 ng umaga kamakalawa hanggang sa magsakitan ang kanilang tiyan. (Joy Cantos)
6 holdaper nasakote 
CAMARINES NORTE – Anim na kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na holdaper ang natimbog ng pulisya makaraang holdapin ang isang 70-anyos na lola sa Purok 5, Barangay Gahonon, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga suspek na naghihimas ng rehas na bakal at pormal na kinasuhan ay sina Joel Labrador, 19, ng Brgy.1; Ren Ren Bacurin, 18, ng Brgy. Binanuaan; Eduardo Espiritu, 27, ng Camaligan, Camarines Sur; Rodel Conceno, 20; Andres Efondo, 23; at Wilbert Efondo, 24, kapwa residente ng Brgy. San Roque, Mercedes, Camarines Norte. Ayon sa pulisya, hinoldap ng mga suspek si Josefina Ablaza habang sakay ng pedicab bago tinangay ang gintong kuwintas ng biktima. (Francis Elevado)
Konsehal ng barangay itinumba
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Posibleng may matinding atraso ang isang 38-anyos na konsehal ng barangay kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang lalaki sa bakuran ng bahay ng biktima sa Barangay Angas, Basud, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib at hindi na umabot ng buhay sa Camarines Norte Provincial Hospital si Noel delos Reyes, samantalang ang dalawang suspek na kausap ng biktima na agad tumakas ay nakilalang sina Arnold Delos Reyes at isang alyas "Rey". (Ed Casulla)
3 ‘killer’ ng police col. timbog
CAMP CRAME – Bumagsak sa kamay ng pulisya at militar ang tatlong suspek sa pagpatay sa isang police colonel sa naganap na holdapan sa Dimataling, Zamboanga del Sur noong nakalipas na linggo sa follow-up operations sa Barangay Binuatan, Dinas sa nasabing lalawigan, kahapon ng umaga. Pormal na sasampahan ng kaso ang mga suspek na sina Mohammad Maulana, alyas Maidx, Raksan Ansang, alyas Sam at Kudin Amis, alyas Din, ng nabanggit na munisipalidad. Ayon kay Police Regional Office-9 spokesman Senior Supt. Felixberto Candado, ang tatlo ay itinuturong killer ni P/Supt. Bernardo Palmero, group director ng 907th Provincial Mobile Group ng Zamboanga del Sur matapos na pagbabarilin ang biktima habang lulan ng pampasaherong van na hinoldap ng mga suspek sa kahabaan ng Barangay Lulutan sa nabanggit na bayan. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANDRES EFONDO

ARNOLD DELOS REYES

AYON

BARANGAY ANGAS

BARANGAY BINUATAN

BARANGAY GAHONON

BRGY

CAMARINES NORTE

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with