Nene ni-rape slay ng mga adik
September 22, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 10-anyos na batang babae matapos itong pilahan ay pinagsasaksak pa ng mga adik sa bawal na gamot sa bahagi ng Barangay Poblacion 4, General Mariano Alvarez, Cavite noong Huwebes, September 14.
Halos madurog ang puso ng mga magulang matapos na makita ang sinapit na kamatayan ng biktimang si Jovelyn Margarico ng Block 19, Lot 30, Phase 5, FVR Subdivision, Barangay Poblacion 5.
Arestado naman ang isa sa apat na suspek na nakilalang si Michael Ramirez, alyas Guico, 28, ng nasabing barangay.
Ayon kay P/Chief Inspector Manuel Placido, hepe ng pulisya sa bayan ng General Mariano Alvarez, bandang alas-11 ng umaga nang matiyempuhan ng mga suspek na adik sa droga ang bata na naglalakad sa masikip na iskinita at dinala sa abandonadong bahay na ginagawang tambayan noong September 14.
Nagulat na lang ang mga residente nang matagpuan nila ang bangkay ng bata na nakabalot sa kumot na duguan malapit sa bahay ng mga suspek.
Sa ginawang medico legal, lumilitaw na pinagsamantalahan muna ang bata bago pinatay, batay na rin sa mga nakitang mga sugat nito sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Bagamat apat ang itinuturong suspek, si Ramirez lamang ang naidiin sa piskalya at napalaya naman ang tatlo dahil sa kakulangan ng ebidensya para iugnay ang mga ito sa nasabing krimen. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended