^

Probinsiya

Alpha frat member nilikida sa harap ng kolehiyo

-
SAMAR — Nagwakas ang buhay ng isang 28-anyos na binata na aktibong miyembro ng Alpha Caph Rho Fraternity makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Barangay 4, San Pablo sa bayan ng Catbalogan, Samar kamakalawa ng gabi.

Apat na bala ng baril sa kaliwang tagiliran ang tumapos sa buhay ni Anthony "Pio" Mores y Lozero ng Barangay 11, Patag District, Catbalogan, Samar.

Napag-alamang nakikipagkuwentuhan ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa labas ng Inernet café sa harap ng Samar College nang tumigil sa harapan ang isang motorsiklo na may lulang dalawang lalaki.

Isa sa dalawa ang nagbunot ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima hanggang sa duguang bumulagta, habang nagpulasan sa iba’t ibang direksyon ang kanyang mga kaibigan.

Naisugod pa sa Samar Provincial Hospital si Mores, subalit hindi na umabot ng buhay.

Dalawang anggulo ang sinisilip ng pulisya para malutas ang krimen kabilang na ang nakaraang buhay ng biktima at ang pagiging miyembro ng nabanggit na fraternity. (Maricel Castillo)

vuukle comment

ALPHA CAPH RHO FRATERNITY

APAT

CATBALOGAN

DALAWANG

MARICEL CASTILLO

PATAG DISTRICT

SAMAR

SAMAR COLLEGE

SAMAR PROVINCIAL HOSPITAL

SAN PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with