Animoy manok na nagkikisay ang biktimang si Estifa Colaway, 49, habang boluntaryong sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek na mister na si Abelardo Colaway, 48.
Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Renato Alba, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa bahay ng mag-asawang Colaway sa nasabing barangay.
Napag-alamang nakaupo sa loob ng kanilang bahay ang biktima nang tawagin nito ang sariling mister at muling nakiusap na tapusin na ang kanyang buhay upang matapos na ang paghihirap na dinaranas.
Bagamat atubili ay nagawang kunin ng mister ang kanyang gulok buhat sa kusina at luhaang tinaga sa leeg ang misis hanggang sa ito ay magkikisay sa sahig.
Iniulat ng pulisya na dalawang taon nang nakaratay sa banig ng karamdaman ang biktima mula ng ma-stroke ito at labis na nalulungkot dahil sa hindi makatulong sa pang araw-araw na gawain sa kanilang tahanan.
Kasalukuyang nakakulong sa himpilan ng pulisya ang suspek at pormal na kinasuhan.