^

Probinsiya

Paralisadong ina pinugutan ni ama

- Ni Tony Sandoval -
CATANAUAN, Quezon – Pinagbigyan ng isang mister na obrero ang kahilingan ng sariling misis na patayin na lamang siya upang hindi na maghirap sa pagiging paralisado, sa Barangay Catambak, Catanauan, Quezon kamakalawa ng umaga.

Animo’y manok na nagkikisay ang biktimang si Estifa Colaway, 49, habang boluntaryong sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek na mister na si Abelardo Colaway, 48.

Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Renato Alba, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa bahay ng mag-asawang Colaway sa nasabing barangay.

Napag-alamang nakaupo sa loob ng kanilang bahay ang biktima nang tawagin nito ang sariling mister at muling nakiusap na tapusin na ang kanyang buhay upang matapos na ang paghihirap na dinaranas.

Bagama’t atubili ay nagawang kunin ng mister ang kanyang gulok buhat sa kusina at luhaang tinaga sa leeg ang misis hanggang sa ito ay magkikisay sa sahig.

Iniulat ng pulisya na dalawang taon nang nakaratay sa banig ng karamdaman ang biktima mula ng ma-stroke ito at labis na nalulungkot dahil sa hindi makatulong sa pang araw-araw na gawain sa kanilang tahanan.

Kasalukuyang  nakakulong sa himpilan ng pulisya ang suspek at pormal na kinasuhan.

vuukle comment

ABELARDO COLAWAY

BAGAMA

BARANGAY CATAMBAK

CATANAUAN

COLAWAY

ESTIFA COLAWAY

INIULAT

KASALUKUYANG

QUEZON

RENATO ALBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with