Kabesa itinumba

SAMAR — Tinambangan at napatay ang isang barangay chairman ng 2 maskaradong lalaki na sakay ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Socorro sa bayan ng Catbalogan, Samar kamakalawa ng gabi.

Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Barangay Chairman Narciso Jabolan ng Barangay Hidorama San Jose de Buan, Samar.

Sa ulat ni Gaudencio Vencio, hepe ng investigation unit, nag-aabang ng sasakyan ang biktima sa labas ng bahay ng kanyang manugang nang lapitan at barilin ng dalawang beses sa ulo ng lalaking naka motorsiklo.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na pananambang sa biktima. (Maricel Castillo)

Show comments