64-taong hatol sa ex-mayor

Pinagtibay kahapon ng Sandiganbayan ang hatol na 64-taong pagkabilanggo laban sa dating alkalde ng Cebu sa kasong walong counts ng falsification of public documents may ilang taon na ang nakalipas.

Maliban kay Dating Naga Mayor Paulino Ong, pinatawan din ng parusa ang pinsan nitong si Romeo Galeos at cousin-in-law na si Federico Rivera.

Naniniwala ang korte na nagsabwatan ang tatlo kaya ibinasura ang isinumiteng motion for reconsideration na hinihingi ng mga akusado.

Base sa record ng Sandiganbayan, pineke ng tatlo ang payroll documents na nag-uutos na isiwalat ang totoong relasyon hanggang sa 4th civil degree of consanguinity o affinity."

Siyam na kaso ang isinampa laban sa tatlo pero nadismiss ang isa dahil sa kabiguan ng prosekusyon na ipresinta ang orihinal at certified copy ng statement of assets and liabilities ng mga akusado.

Nabatid na hindi naisilbi ang parusa kay Rivera dahil sa pagkamatay nito na pinatunayan ng National Statistic Office. (Malou Escudero)

Show comments