Suspek sa pagpatay sa pulis nadakip
September 18, 2006 | 12:00am
CAVITE Nalutas na ng PNP Special Operation Group (SOG) ang kaso ng pagpatay sa isang pulis Cavite matapos madakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation sa tahanan nito sa Kawit kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Leo Francisco, hepe ng SOG kay Cavite Police Provincial Director S/Supt. Benjardi H. Mantele, kinilala ang suspek na si Randy Baquiran.
Si Baquiran ay positibong kinilala ng mga saksi na hiniling na huwag munang banggitin ang kanilang pangalan sa pagpatay kay PO2 Joselito Del Mundo, 32, nakatira sa Brgy. Sapa Naic Cavite at nakatalaga sa Patrol Unit ng Kawit PNP sa ilalim ng pamumuno ni P/Chief Inspector Hersan Mojica, hepe ng pulisya sa bayang ito.
Responsable din si Baquiran sa pagholdap sa isang Indian nasyunal na si Baljinder Singh, 31. Batay sa imbestigasyon ni SPO3 Ramon Legaspi, may hawak ng kaso ganap na alas-11:30 ng umaga nang holdapin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki si Singh at tangayin ng suspek ang cash money na P3,000, IDs driver license isang celfon na Nokia 3310 at ang Kawasaki motorcycle na kulay pula (NA 3418) na pag-aari ng biktima na ginawang gate away vehicle ng suspek sa Brgy. Tabon 1, Kawit Cavite, noong Setyembre 15, 2006.
Namonitor ni PO2 Del Mundo ang pangyayari sa hand held radio na hawak nito kaya nagsagawa siya ng patrulya at nakita niya ang sugatang suspek sa Kepwengs Billiard Hall Tirona Highway Brgy. Balsahan Binakayan.
Habang sinisita ni PO2 Del Mundo ang suspek hindi nito namalayan si Baquiran na umikot sa kanyang likuran hawak ang baril at saka siya pinaputukan sa ulo. (Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended