Celfon story, pinabulaanan

CAMP CRAME – Pinasinungalingan ng mga opisyal ng pulis kabilang na ang kanilang hepe at opisyal ng lokal na pamahalaan ang lumabas na istorya sa pahayagang ito tungkol sa isang coed na nasawi dahil sa impeksyon sa ari na pinasukan ng celfon, may ilang araw na ang nakalipas.

Subalit, isang kagawad ng pulis sa Koronadal City ang isa sa mga nag-expose ng istorya ng isang 18-anyos na coed ang nasawi matapos maimpeksyon ang ari nito dahil sa ipinasok na celfon bilang vibrator sa Koronadal City.

Ang nasabing istorya ay naunang pinaalingawngaw sa radio station ni dzRH Broadcaster Deo Macalma na dating kolumnista ng pahayagang ito.

Sa kaniyang programa ay sinabi rin ni Macalma na isang beteranong broadcaster na tumatayong reliable source, ang pinagmulan ng istorya.

Ayon sa source, ang nasabing istorya ay siguradong itatanggi ng mga matataas na opisyal ng pulis sa Koronadal City dahil nagmula sa kilalang angkan ang nasabing biktima at kaibigan ng pamilya nito ang maiimpluwensyang opisyal sa nasabing lalawigan kabilang ang mga opisyal ng pulisya dito.

Nabatid pa na dahil sa napakalaking kahihiyan ang idinulot sa pamilya ng biktima ay itinago nila ang istorya at maging ang kolehiyong pinapasukan ng nasabing coed.

Nakiusap rin umano ang pamilya ng biktima sa pulisya na itago ang nangyari sa biktima dahil matindi ang kahihiyang idinulot nito sa kanilang pamilya at masakit ang naging kamatayan.

Magugunita na sa lumabas na ulat ay isang coed ang nag-sex trip gamit ang kaniyang Nokia 8210 na ipinasok nito sa kaniyang ari at bunga ng insidente ay nagkaroon ng impeksyon na siya nitong ikinasawi. (Joy Cantos)

Show comments