Runway ng airport, ninakawan ng mga ilaw
September 16, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Nagawang malusutan ng mga magnanakaw ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad sa airport makaraan nakawin ang mga ilaw at kable ng runway ng paliparan ng Butuan City sa Agusan del Norte, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat, nadiskubre ang nakawan matapos na mawala ang tanglaw ng ilaw sa nasabing landing point ng paliparan, ng mga piloto mula sa Philippine Airlines (PAL) bandang alas-6 ng gabi.
Sinasabing hindi man lamang napansin ng mga airport security personnel at mga empleyado nito sa tower ng paliparan, ang nagaganap na nakawan.
Base sa ulat na ipinarating ng Caraga Police Regional Office, napansin ng mga piloto ng eroplano, na madilim ang runway 12, kung saan madilim ang paligid at halos nasa zero visibility dahil sa sama ng panahon.
Agad namang ipinaalam sa control tower ng mga piloto, subalit iginiit naman ng mga tower personnel na kanila nang sinindihan ang naturang mga ilaw.
Dahil dito, laking gulat ng mga opisyal nang matiyak ng mga security personnel na grounded na lahat ng ilaw at mismong kable ng mga ito ay nawawala.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng Airport Transport Office (ATO) ang insidente ng nakawan, na sinasabing hindi man lamang napansin kahit mahigpit ang ipinatutupad na security measures. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 2 hours ago
By Cristina Timbang | 2 hours ago
By Tony Sandoval | 2 hours ago
Recommended