Colonel pumalag sa holdap, tinodas
September 16, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Isang police colonel ang iniulat na napaslang makaraang itong pumalag sa dalawang armadong holdaper habang lulan ng pampasaherong van sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Lulotan, Dimataling, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, kinilala ang biktima na si P/Supt. Bernardo Daclison Palmero, group director ng 907th Provincial Mobile Group ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office.
Si Palmero ay idineklarang patay sa Pagadian City Hospital matapos na magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa dibdib.
Sa imbestigasyon, ang mag-asawang Palmero at anak na lalaki ay sakay sa pampasaherong van na may plakang XTX 813 sa Barangay Bitinan, San Miguel, patungo sana sa Tabina, Zamboanga del Sur nang maganap ang holdapan pagsapit sa Barangay Lulotan.
Ang biktima kasama ang asawa nito at anak na lalaki ay kasalukuyang sakay ng isang pampasaherong van na bumabagtas sa highway ng Brgy. Lulotan ng nasabing lugar nang biglang magdeklara ng holdap ang mga suspek.
Walang nagawa ang mga pasahero nang limasin ang pera, alahas, celfon at iba pang mahahalagang kagamitan hanggang sa akmang bubunutin ng biktima ang kaniyang armas.
Natunugan naman ng mga suspek ang gagawin ng biktima kaya inunahan na ito saka mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended