Sintunadong kumanta tinodas
September 15, 2006 | 12:00am
CAVITE May kinalagyang hukay ang isang 29-anyos na drayber na pinagtulungang saksakin ng dalawang senglot na nagalit sa biktima dahil sintunadong kumanta sa naganap na karahasan sa Barangay Gregorio de Jesus, General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rafael Del Pilar ng Blk.6 Lot 13 ng nasabing barangay. Nasakote naman ang mga suspek na sina Marcelo "Eloy" Sevilla Jr., 35 at Juanito Chavez, 36. Sa ulat ng pulisya, bandang ala-una y medya ng madaling-araw nang kumanta ang biktima sa loob ng videoke bar at dahil sa sintunado ay nagalit ang mga suspek na senglot. Kinompronta ng dalawa ang biktima hanggang sa maganap ang krimen. (Cristina Timbang)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Dalawang notoryus na tulak ng droga ang dinakip ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa harapan ng kilalang fastfood chain sa kahabaan ng P. Burgos Street, Naga City kahapon ng madaling-araw. Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Ranilo Briones, 39, ng Barangay Sogod, Tinambac, Camarines Sur at Celso Manguid, 42, ng Penafrancia, Naga City. Ayon kay P/Chief Insp. Liane Mandane, nakumpiskahan ang mga suspek ng 25 gramo ng shabu na may street value na P.2 milyon. (Ed Casulla)
SAN VICENTE, Camarines Norte Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 55-anyos na magsasaka ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) makaraang mapaghinalaang tiktik ng militar sa Barangay Pabrika sa bayan ng San Vicente, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Ang biktimang niratrat habang nagpapakain ng kanyang alagang baboy ay nakilalang si Anaurio Borabien ng Purok 1, ng nasabing barangay. Napag-alamang si Borabien ay ikalawang magsasaka na pinaslang ng mga rebelde matapos na akusahang nakikipagtulungan sa militar para sugpuin ang insurgency sa nabanggit na bayan. (Francis Elevado)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended