2-katao natusta sa sunog
September 15, 2006 | 12:00am
TACLOBAN CITY Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi, habang aabot sa P30 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog sa reclamation area na sakop ng Barangay Sabang, Tacloban City kamakalawa ng hapon.
Kasalukuyang inaalam ang pagkikilanlan ng mga biktima, samantala, 30 naman ang nasugatan at aabot sa 1, 500 pamilya ang naapektuhan ng sunog na nagsimula dakong ala-una ng hapon matapos magsimula ang apoy sa isang volcanizing shop na agad kumalat sa kalapit bahay.
Ayon kay Fire Marshal Artemio Tabaranza, nahirapang apulahin ng mga tauhan ng pamatay-sunog ang kumakalat na apoy dahil sa biglaang pagdagsa ng mga residente kaya naapula ang sunog ganap na alas-6 ng gabi.
Malaki ang paniniwala ng mga residente na sinadyang sunugin ang reclamation area na inaakupahan ng 1,500 pamilya dahil sa plano ng lokal na pamahalaan na gawing fishport ang nabanggit na lugar. Patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya sa naganap na sunog. (Maricel Castillo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended