Nasawi sa James Gordon Hospital sa Olongapo City, ang biktimang si Angelica Sapa ng nabanggit na barangay.
Napag-alamang isinugod sa St. Joseph Hospital ang biktima noong Lunes (September 11) dahil sa matinding lagnat at dahil sa rekomendasyon ng doctor ay mabilis na inilipat sa nabanggit na ospital para lalong malapatan ng gamot hanggang sa bumigay ang bata.
Matatandaang umabot sa 80-katao ang positibong dinapuan ng dengue mula Enero hanggang Setyembre kung saan dalawa ang kumpirmadong namatay sa Bataan.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Dr. Marck Banzon, health officer ang taumbayan na patuloy na linisin ang kanilang kapaligiran upang hindi mamahay ang Aedes, day-biting mosquito na nagdadala ng dengue virus. (Jonie Capalaran)