Duwelo: Magbayaw dedo
September 14, 2006 | 12:00am
ANTIPOLO CITY, Rizal Pinaniniwalaang nagkapikunan sa usaping politiko ang magbayaw kaya nagkasaksakan at nagkabarilan hanggang sa kapwa nasawi ang dalawa sa Barangay Mabugan, Antipolo City kamakalawa ng gabi.
Kapwa idineklarang patay sa Amang Rodriguez Medical Center ang mga biktimang sina Rene Borja, 24, welder; at Maximo Malinao, 34, kapwa naninirahan sa Josefina Subd. ng nabanggit na barangay.
Si Borja ay nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan, samantalang si Malinao naman ay tinamaan ng patalim sa kili-kili at dibdib.
Sa imbestigasyon ni PO2 Carlo Tamondong, naitala ang insidente ganap na alas-11 ng gabi sa bahay ng mga biktima habang magkasamang nag-iinuman ng alak.
Napag-alamang kapwa senglot ang dalawa nang magtalo sa isyung pulitika hanggang sa magkapikunan.
Agad na inundayan ng saksak ng patalim ni Borja si Malinao, subalit nagawang pagbabarilin si Borja kahit na duguan.
Tinangka pang isugod sa nasabing pagamutan ang magbayaw, subalit idineklara na ring patay ang mga ito ng mga doktor. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended