Magbiyenang trader kinatay
September 13, 2006 | 12:00am
CALATAGAN, Batangas Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng magbiyenang trader makaraang pagbabarilin at pagtatagain ng mga armadong kalalakihan na lumusob sa farm na pag-aari ng mga biktima sa Sitio Kawayanan, Barangay Balibago sa bayan ng Calatagan, Batangas kamakalawa ng gabi.
Base sa ulat na ipinarating sa Batangas provincial police director na si P/Senior Supt. Edmund Zaide, kinilala ang dalawa na sina Renato Chan Jr., 54, isang Tsinoy at Nestor Terado, 43, kapwa may-ari ng Quail Farm at residente ng #050 B Mata St., Barrio Magsaysay, Tondo Manila.
Nabatid na bandang alas-6:30 ng gabi nang salakayin ng mga armadong kalalakihan ang nasabing farm kung saan nagpapahinga ang dalawa.
Hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling blangko ang pulisya sa brutal na krimen. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended