Baby walang ulo isinilang
September 10, 2006 | 12:00am
SAN CARLOS CITY, Pangasinan Binalot ng sindak ang Barangay Tamayo sa San Carlos City makaraang isilang ang isang sanggol na babae na walang ulo, kamakalawa.
Dinumog ng mga residente ang Pangasinan Provincial Hospital na kinaroroonan ng sanggol matapos na kumalat ang balita tungkol sa walang ulo na baby, habang ang kakambal nitong babae ay lumalaki naman ang tiyan na pinaniniwalaang may congenital disease.
Humihingi naman ng tulong sa mga kinauukulan ang mga magulang na sina Mario Garcia, 39, magsasaka at Magelyn, 37.
Sa pahayag ni Dr. Estrella Valerio, head ng pediatrics department ng nabanggit na ospital, hindi na-develop na mabuti ang sanggol sa sinapupunan ng ina dahil sa kakulangan ng pagkain at bitamina at maging sa pag-aalaga ng ina habang ito ay pinagbubuntis.
Napag-alamang normal naman ang apat na anak ng mag-asawang Garcia na ipinanganak sa tulong ng komadrona, subalit ngayon ay sumailalim sa caesarian operation. Kasalukuyang nasa ospital si Magelyn at isinasailalim sa blood transfusion.
Gayon pa man, nang puntahan ng mamamahayag na ito ang nasabing ospital para mag-usisa, nalagay na sa palangganang may formalin ang sanggol na walang ulo.
Nabatid na sinamahan ni Freddie Fajardo ng Aksyon Radyo Pangasinan si Mario Garcia sa Medical Center sa Dagupan City na pag-aari ng pamahalaan para sa kailangan dugo sa kanyang asawa. (Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest