^

Probinsiya

Mag-asawang trader pinaslang

-
PULILAN, Bulacan – Tinambangan at napatay ang mag-asawang trader ng mga hindi kilalang lalaki habang ang dalawa ay sakay ng owner-type jeep at bumabagtas sa kahabaan ng Barangay Tabon, Pulilan, Bulacan kahapon ng umaga. Apat na bala ng baril sa katawan ang tumapos kay Barangay kagawad Roberto Victoria, 42, samantalang si Shierley, 40 ay tinamaan sa ulo at likurang bahagi. Sa inisyal na imbestigasyon, ang mag-asawa na residente ng Barangay Dulong Malabon ay lulan ng jeep (CJF-989) patungo sa palengke ng Pulilan upang magbukas ng kanilang tindahan nang harangin ng mga armadong kalalakihan bago isagawa ang pamamaslang. Patuloy naman ang pagsisiyasat sa karahasang naganap. (Dino Balabo)
Opisyal ng Bayan Muna, dinedo

CAMP CRAME –
Isa na namang opisyal ng militanteng grupo ang pinaslang ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Canlubad sa bayan ng Danao, Bohol kahapon ng umaga. Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Victor Olaiver na tumatayong provincial chairman ng Bayan Muna at Hukbong Magsasaka ng Bohol. Sa ulat ni P/Chief Supt. Silverio Afarcio, police regional director, ang biktima ay lulan ng habal-habal na minamaneho ni Joselito Ayab nang tambangan pagsapit sa Caban Bridge patungo sana sa Tagbilaran City mula sa Barangay San Carlos. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY CANLUBAD

BARANGAY DULONG MALABON

BARANGAY SAN CARLOS

BARANGAY TABON

BAYAN MUNA

BOHOL

BULACAN

CABAN BRIDGE

CHIEF SUPT

DINO BALABO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with