^

Probinsiya

Kaanak Binantaan Ng Mga Pulis…:4 sa anim nirub-out ng pulis-Baliuag

-
BALIUAG, Bulacan – "Pinatay na nila ang aming ama, pinasama pa nila."

Ito ang pahayag ng pamilya ni Leovino Gonzales, 66, retiradong sheriff ng Malolos Regional Trial Court at kasalukuyang manager ng Lualhati Funeral Homes sa Malolos City bago siya mapatay kasama ang lima na ayon sa puisya ay mga kasapi ng holdap gang.

Napag-alamang hindi nakasama ang pangalan ni Gonzales sa unang ipinalabas na ulat ng pulisya, dahil ang mga kinilala lamang na mga suspek ay sina Honorio Simbulan, Jayson Ramos, Arnel Ramos, Florentino Mallari, Danilo Piosco, at isang Renato Balajadia.

Sa pagsisiyasat ng mga mamamahayag, ang pangalang Jayson Ramos ay isang Daniel Simbulan, at ang pinalabas na pangalang Arnel Ramos ay si Leovino Gonzales.

"Imposibleng maging holdaper ang aming ama (Leovino Gonzales), matanda na siya at may sakit pa," dagdag pa ng isa sa limang anak ng biktima.

Napag-alamang pumasok ang mga pulis sa pamumuno ni P/Chief Insp. Florencio Morales, kasama ang dalawang lalaki sa Janette Videoke Bar noong gabi na mapatay si Gonzales at pinalabas muna ang ilang babae bago niratrat ang anim na pinalulutang ng pulisya na kasapi ng holdap gang.

"Walang baril na nakuha ang mga pulis at hindi nanlaban ang mga biktima, taliwas sa naunang ulat kaya lumalabas na rub-out ang insidente, " pahayag ng isang saksi.

Sa panayam ng PSN sa ilang kaanak ng biktima, magkaibigan sina Gonzales at Piosco na isang trader sa Brgy. Tanos, Baliuag ay nagkayayaang kumain at kumanta sa katapat na videoke bar noong gabing naganap ang rub-out.

Nabatid na si Balajadia ay asawa ng dishwasher sa videoke bar at sinundo lamang nito ang kanyang asawa. Hindi naman makapagsalita ang mga kaanak ng apat sa mga mamamahayag dahil pinagbabantaan ng mga pulis-Baliuag.

 Dahil dito, hiniling ng mga kaanak ng mga biktimang inakusahang mga holdaper na sibakin sa puwesto at ipatapon sa Mindanao ang mga pulis na sangkot sa rub-out sa pamumuno ng hepe na si P/Supt. Jolly Dizon at team leader na si P/Chief Insp. Florencio Morales.

Sa panig ng Volunteers Against Crime and Corruption na idudulog nila sa Commission on Human Rights ang naganap na summary execution laban sa mga biktima. (Dino Balabo/Joy Cantos)

ARNEL RAMOS

BALIUAG

CHIEF INSP

DANIEL SIMBULAN

DANILO PIOSCO

FLORENCIO MORALES

GONZALES

JAYSON RAMOS

LEOVINO GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with