^

Probinsiya

Pulis itinumba ng kabaro sa kampo

-
BATANGAS CITY — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 44-anyos na pulis ng kapwa pulis makaraang magkapikunan ang dalawa habang nag-iinuman ng alak sa loob ng Camp General Miguel Malvar sa Barangay Kumintang Ilaya, Batangas City noong Miyerkules ng gabi.

Ang biktimang nasawi na drayber at security staff ng Batangas police provincial director na si P/Senior Supt. Edmund Zaide ay nakilalang si SPO2 Numeriano Borbon na vice president ng Camp Malvar Homeowners’ Association.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si SPO3 Nicolas Closa, 43, nakatalaga sa Logistic Branch ng nabanggit na kampo at presidente ang naturang asosasyon.

Ayon kay P/Senior Supt. Nilo Anzo, bandang alas-9:45 ng gabi nang mag-inuman ng alak sina Borbon at Closa, kasama ang tatlo pang pulis sa loob mismo ng kampo.

Napag-alamang nag-ugat ang pamamaril matapos magtalo ang dalawa tungkol sa laganap na nakawan sa loob ng Camp Malvar.

Samantalang hindi nagawang makaganti ng biktima dahil walang baril at maging ang tatlo nitong kasamang pulis, kaya hindi napigilang makatakas ang suspek. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY KUMINTANG ILAYA

BATANGAS CITY

CAMP GENERAL MIGUEL MALVAR

CAMP MALVAR

CAMP MALVAR HOMEOWNERS

EDMUND ZAIDE

LOGISTIC BRANCH

NICOLAS CLOSA

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with