Mayor nakuryente, patay
September 7, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Maagang ginapang ni kamatayan ang isang municipal mayor makaraang makuryente habang naliligo sa palikuran ng sariling tahanan sa Diversion Road, Barangay Pating, Masbate City kahapon ng umaga.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si San Jacinto Mayor Aries Espinosa, 34, isang doctor at anak nina dating Congresswoman Vida Espinosa at Congressman Tito Espinosa na napatay sa ambush sa Quezon City may ilang taon na ang nakalipas.
Sa insiyal na pagsisiyasat ng pulisya, naitala ang insidente dakong alas-7 ng umaga habang naliligo sa banyo ng kanilang bahay si Mayor Espinosa gamit ang electric heater sa shower.
May posibilidad na dumikit ang linya ng kuryente sa dinadaluyan ng tubig sa banyo kaya agad na gumapang sa katawan ng biktima at nagkikisay.
Ang biktimang nakabulagta sa loob ng kanilang banyo nang natagpuan ng sariling misis at agad naman isinugod sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay.
Napag-alamang maagang gumising si Mayor Espinosa para dumalo sa isang appointment sa Maynila, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay kamatayan ang sasalubong sa kanya. (Ed Casulla at may dagdag ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended