Sa ulat ni SPO4 Aurora Habana ng Womens and Childrens Protection Desk, rumesponde ang pulisya, kasama ang ilang opisyal ng DSWD sa bahay ng biktima para kompirmahin ang impormasyong ibinigay ng mga kapitbahay ng suspek.
Nadatnan ng mga awtoridad ang biktima na may palatandaang ginulpi ng suspek kaya dinala ang dalawa sa himpilan ng pulisya upang kunan ng salaysay.
Kinumpirma ng biktima ang pananakit sa kanya ng suspek na naging ka-live-in ng kanyang ama kaya sinampahan ng kaukulang kaso. (Cristina Timbang)