Bus inspector itinumba
September 3, 2006 | 12:00am
BALANGA CITY, Bataan Binaril at napatay ng nag-iisang gunman ang isang 38-anyos na inspector ng Bataan Transit passenger bus habang naglalakad ang biktima sa may harapan ng Vetafs Store sa Barangay Poblacion, Balanga City, Bataan kamakalawa ng tanghali. Kinilala ng pulisya ang biktimang tinamaan ng bala ng baril sa batok na si Marcial Mendoza y Balingit ng #0496 Lourdez Park, Bamban Tarlac. Ayon kay SPO2 Rommel Morales, makikipagpulong sana ang biktima sa grupo ng Kapisanan ng mga Sasakyan Bayan, kasama ang kanilang operational manager na si Nora Vergara nang sabayan ng hindi kilalang lalaki at isagawa ang pamamaslang. (Jonie Capalaran)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Kamatayan ang kumalat sa katawan ng isang 7-anyos na nene makaraang madaganan ng trak na bumaligtad sa kahabaan ng Almeda Highway sa Barangay Concepcion Grande, Naga City kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktimang grade 1 pupil na si Alaiza Basquina. Samantala, sugatan naman ang pahinante na si Arsenio Pormalejo, 26, ng Modern Village Pili, Camarines Sur. Nadakip ng pulisya ang drayber ng trak (WAF-120) na si Valentino Ampungan, 30, ng San Jose Pili, Camarines Sur. Napag-alamang nakatayo lamang ang biktima sa gilid ng kalsada para tumawid nang mahagip ng trak na bumaligtad. (Ed Casulla)
CAMP CRAME Umaabot sa P.2 milyong kagamitan at mga isdang huli sa illegal na pamamaraan ang nasamsam ng mga elemento ng Philippine Navy sa isinagawang seaborne patrol sa karagatang nasasakupan ng Palawan, ayon sa ulat kahapon. Sa ulat na isinumite kay Navy Chief Vice Admiral Mateo Mayuga, nakorner ang bangkang pangisdang F/B Junie Mark sa karagatan ng Arena Island na sakop ng Barangay Malatgao, Narra. Nasamsam sa nasabing bangka ang 200 kilong isda na pinaniniwalaang huli sa pamamaraan ng buli-buli (trawl fishing). Sinabi ni Navy Spokesman Commander Giovanni Carlo Bacordo, naibigay na nila sa himpilan ng pulisya ang mga nasamsam na bangka, mga isda para sa kaukulang disposisyon. (Joy Cantos)
CAMP CRAME Sinibak na sa puwesto ang isang hepe ng pulisya at isang jail officer makaraang makatakas ang notoryus na kriminal at tumangay pa ng armas sa himpilan ng pulisya sa Cuartero, Capiz, ayon sa ulat. Inirekomenda ni P/Supt. Cornelio Defensor, hepe ng Regional Intelligence and Investigation Division na ipatapon sa ibang lugar si P/Chief Nelson Camposana, samantalang ang jail officer na nakilala lamang sa apelyidong Arauz ay sasampahan ng kaukulang kaso. Ayon sa ulat, ang pagkakasibak nina Camposana at Arauz ay bunsod ng pagkakatakas ni Mario Denosta matapos na wasakin ang padlock ng pintuang bakal ng detention cell noong nakalipas na linggo. (Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended