Sa desisyong nilagdaan ni Judge Bernabe Mendoza ng Regional Trial Court-Roxas (Isabela) Branch, ibinaba ang hatol laban sa mga akusadong sina Eddie Obarre, asawang Charita at Ramelito Ybanez. Dinagdagan din ng 12-taon bawat isa ang hatol ng korte sa kasong qualified theft.
Ayon kay P/Supt. Baltazar Israel, hepe ng pulisya sa bayan ng Aurora, ang tatlo ay nag-plead ng guilty sa krimen upang bumaba ang hatol ng korte, kaya ang babae ay pinatawan ng 12 hanggang 20 taong pagkabilanggo sa bawat napatay na biktima na may equivalent na 84 hanggang 140 years.
Samantalang ang dalawang lalaking akusado ay makukulong ng 70 hanggang 119 years.
Ang hatol ay ibinaba may anim na buwan na ang nakalipas matapos ang brutal na pagpaslang sa mag-asawang Victorio Romero, 63; at Victoria, 60; mga anak na Joy Romero-Guevarra, 36; Hazel Bartolome, 28; at mga apo, Carmeline, 9; Cielo, 7; at Angelo, 4.
Ang mga biktima ay pinagtataga at pinagpapalo hanggang sa mapatay ng mga akusado sa pag-aaring bahay sa Barangay Bagong Tanza, Aurora, Isabela noong Marso 19, 2006.
Base sa record ng korte, ang mga suspek na pawang katulong ng pamilya Romerong negosyante ay nasakote ng mga awtoridad sa Nueva Ecija, isang buwan matapos ang krimen. (Charlie Lagasca)