3 mag-uutol natusta sa sunog
September 3, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Malagim na kamatayan ang sinapit ng tatlong mag-uutol na paslit makaraang matusta sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Madridejos, Alegria, Cebu kamakalawa ng gabi.
Magkakadikit ang katawan dahil sa pagkasunog nang matagpuan ang bangkay ng mga biktimang sina Christian,1; April Lyn, 3; at Jessa Lastimoso, 5.
Ang tustadong mga bangkay ng tatlong paslit ay narekober ng mga rumespondeng pulisya matapos ang dalawang oras na sunog na tumupok sa tahanan ng pamilya Lastimoso.
Nakaligtas naman ang nakatatandang kapatid na si Maricel matapos na makalabas ng pintuan.
Sa ulat ng Cebu Provincial Police Office, naitala ang sunog dakong alas-8 ng gabi sa Upper Alangasil sa nabanggit na barangay.
Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, na ang mga magulang ng tatlo na kinilalang sina Sulpicio, 46; at Julia, 43, ay dumalo sa koronasyon ng kanilang anak na babae na kandidato sa popularity contest sa kanugnog na lugar ng Sitio Lower Alangasil.
Bandang alas-10 ng gabi nang mabalitaan ng mag-asawa ang naganap na trahedya sa kanilang mga anak na paslit na pinaniniwalaang nagmula ang apoy sa kusina ng bahay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended