Karnaper dedo sa shootout
September 2, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Kalawit ni kamatayan ang sumalubong sa isang notoryus na karnaper na pinaniniwalaang tumangay sa motorsiklo ng isang OFW na kinidnap ng Iraqi militants noong 2004 makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng Pearl Street sa Marfori Heights, Davao City kamakalawa.
Hindi naman agad nakuha ng pulisya, ang pagkakakilanlan ng nasawing suspek na nakalagak ngayon ang mga labi sa Angel Funeral Parlor.
Sa report ng pulisya sa Davao City, dakong alas-7 ng gabi nang makipagbarilan ang suspek laban sa mga tumutugis na operatiba ng pulisya sa nabanggit na lugar.
Nabatid na ang insidente ay naganap matapos na humingi ng tulong sa pulisya ang isang tinukoy lamang sa apelyidong Chua ng Marfori Heights dahil sa kahina-hinalang kilos ng dalawang lalaki lulan ng motorsiklo.
Mabilis namang rumesponde ang mga pulis kung saan namataan ang mga suspek, subalit agad na nagpaputok ng baril.
Gumanti naman ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapaslang sa suspek habang ang kasama nito ay nakatakas.
Nakuha sa crime scene ang isang baril na may limang bala, granada, sketch map at isang carnapped na pulang Kawasaki motorcycle na pa-aari ni Roberto "Bobby" Tarongoy, ang OFW na dinukot ng mga Iraqi militants dalawang taon na ang nakalilipas.
Sa beripikasyon ng mga pulis, noong Agosto 28, iniulat ni Eugene Tarongoy, kapatid ni Bobby sa pulisya na ninakaw ang naturang motorsiklo habang nakaparada sa Ponciano Street.
Patuloy ang manhunt operation ng mga awtoridad laban sa nakatakas na suspek.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
7 minutes ago
Recommended