^

Probinsiya

100-kalansay nahukay

-
CAMP CRAME – Umaabot na sa 100-kalansay na pinaniniwalaang mga biktima ng "summary execution" ng mga rebeldeng New People’s Army ang nahukay ng militar makaraang matunton ang killing fields sa liblib na bahagi ng Inopacan, Leyte, ayon sa ulat kahapon.

Sa phone interview, sinabi ni Major Gen. Rodrigo Maclang, hepe ng Army’s 8th Infantry Division (ID), ang nasabing mass grave ay natagpuan ng mga elemento ng Army’s 43rd Infantry Battalion sa ilalim ng 802nd Infantry Brigade sa magubat na bahagi ng Sitio Kaulisihan matapos ang ilang araw na paghuhukay simula pa noong Agosto 26 hanggang sa kasalukuyan.

Ang nabanggit na mass grave ay may 200-kilometro ang layo mula sa Tacloban City sa bulubunduking hangganan ng Baybay -Mahagplag-Inopacan Complex.

Ang pagkakadiskubre ng mga kalansay ay patunay lamang sa malupit na liderato ng CPP-NPA at may katotohanan ang "Oplan Ahos/ Missing Link" na kinasasangkutan ng mga rebelde laban sa mga pinaghihinalaang deep penetration agent (DPA) ng military.

Nabatid na ang nasabing mass grave ay itinuro mismo ng mga nagsisukong matataas na opisyal at miyembro ng NPA. (Joy Cantos)

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

MAHAGPLAG-INOPACAN COMPLEX

MAJOR GEN

MISSING LINK

NEW PEOPLE

OPLAN AHOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with