Pader gumuho: 6-katao dedo
August 31, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Hindi nakapalag sa kalawit ni kamatayan ang anim-katao kabilang na ang tatlong bata makaraang mabagsakan ng pader na gumuho sa kasagsagan ng ulan sa Mabolo District, Cebu City kahapon ng madaling-araw.
Idineklarang patay sa Cebu City Medical Center ang mga biktimang may apelyidong Bagaco na sina Priscila, ina; mga anak na Anne, 7; Alfredo III, 3; Joyce, 6; Abigail Familara, kapatid ng ina ng mga bata; at Elisa na hindi pa mabatid kung ano ang relasyon sa pamilya Bagaco.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan sa nabanggit na lugar hanggang sa bumigay ang konkretong mataas na pader na dumagan sa mga biktima kahapon pasado alas-4 ng madaling-araw.
Samantala, umapaw din ang sapa at binaha ang tahanan ng pamilya Bagaco at nagawa pang maisugod ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital ng mga rumespondeng rescue team, subalit nabigong maisalba ang buhay ng mga ito.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya na maliban sa pader na dumagan sa mga biktimang natutulog ay posible rin nakuryente dahil ang linya ng kuryente ay bumagsak at dumaloy sa tubig-baha ang boltahe kaya nagtuloy sa anim kayat doble kamalasan ang sinapit ng mga ito at walang naging survivor sa insidente.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng anim na sibilyan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended