^

Probinsiya

23 nalason sa pansit bihon

-
KORONADAL CITY — Matinding pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka ng dugo ang dinanas ng dalawamput tatlo-katao makaraang malason sa kinaing pansit bihon na may halong baboy sa ginanap na kapistahan sa bayan ng Malapatan, Sarangani kamakalawa.

Sa ulat ni Dr. Antonio Yasana, Sarangani provincial health officer, ang mga biktima na katutubong B’laa ay mula sa Sitio Kibu, Barangay Tuyan ng nabanggit na bayan.

Napag-alamang dumalo ang mga biktima sa purok fiesta sa Sitio Abnutan sa Barangay Lun Masla saka kumain ng pansit bihon na pinaniniwalaang panis.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan pagkahilo at pagsusuka ang mga biktima kaya mabilis na isinugod sa General Santos City District Hospital.

Tatlo sa mga biktima ay hindi nagpadala sa ospital sa hindi binanggit na dahilan.

Ayon sa ulat, dalawa sa 23 biktima ay pinauwi na, habang ang nalalabi ay inoobserbahan pa. (Ramil Bago)

vuukle comment

AYON

BARANGAY LUN MASLA

BARANGAY TUYAN

DR. ANTONIO YASANA

GENERAL SANTOS CITY DISTRICT HOSPITAL

ILANG

RAMIL BAGO

SARANGANI

SITIO ABNUTAN

SITIO KIBU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with