Bomba itinanim sa Pajero
August 29, 2006 | 12:00am
CALAUAG, Quezon Himala pa ring nakaligtas sa karit ni kamatayan ang isang negosyanteng lalaki at nagdulot ng matinding tensyon sa mga residente makaraang madiskubre nito ang bomba na itinanim sa ilalim ng kanyang Pajero sa Barangay Baclaran Calauag, Quezon kamakalawa. Sa ulat ni P/Senior Inspector Ernesto Ginauli, chief of police sa bayang nabanggit, ang bomba na may isang granada na walang safety pin, tatlong bala ng M203, subalit walang timing device at blasting cap at inilagay sa ilalim ng Pajero (XGA-923) na pag-aari ni Bienvenida Leonor Rosa. Matapos na ipagbigay alam ni Rosa sa mga awtoridad ang pagkakadiskbure sa bomba na kayang magpasabog ng mga kalapit bahay ay matagumpay namang na-detonate. May teorya ang pulisya na karibal sa negosyong money lending ang nasa likod ng insidente. (Tony Sandoval)
TAYTAY, Rizal Hindi na nakapalag sa kalawit ni kamatayan ang isang 58-anyos na Obrero, habang kritikal naman ang kasama nito makaraang mapagtripang gulpihin ng mga adik sa droga sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ng matigas na bagay kaya nasawi ang biktimang si Danilo Villanueva, habang malubha naman si Dionisio Sta. Ana, 50, na kapwa residente ng Barangay Dolores ng nabanggit na bayan. Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, naglalakad papauwi ang dalawa nang harangin ng mga adik at pagtulungan gulpihin hanggang sa mapatay si Villanueva. Hindi naman matukoy ng pulisya kung sinu-sinong adik na naglipana sa nabanggit na bayan ang nasa likod ng krimen. (Edwin Balasa)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended