Tadtad ng taga sa katawan ang biktima na si Salvador Muyo, may-asawa, magsasaka ng Barangay Camalig, nasabing lalawigan. Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspek na si Teddy Muyo 26.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng madaling-araw habang mahimbing na natutulog ang biktima nang pasukin ng sariling anak at may dalang itak. Walang kamalay-malay ang matanda sa paglapit ng anak hanggang sa sunud-sunod siyang undayan nito ng taga sa katawan sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Matapos na paslangin ang ama, binitbit nito na parang baboy saka dinala sa isang hukay na may 7 talampakan ang lalim at doon ibinaon.
Bago ang krimen, nakitang naghukay muna ang suspek sa lupa sa likuran ng kanilang bahay na siyang pinagbaunan sa ama.
Posibleng naboryo ang biktima dahil lahat ng kanyang mga kapatid at ina ay pawang nasa evacuation center na makaraang lumikas nang iutos ang force evacuation sa pinaigting na permanent danger zone sa bulkang Mayon nang magsimulang bumuga ng lava.
Tanging ang mag-ama ang naiwan sa kanilang lugar na siyang nagbabantay sa kanilang tahanan upang huwag itong pagnakawan ng mga magnanakaw.
Inamin naman ng suspek ang pamamaslang sa sariling ama dahil nalulungkot umano ito at sabik sa kanyang mga kapatid at ina na pawang nasa evacuation center simula noong itaas ang alert level no. 4 sa bulkang Mayon. (Ed Casulla)