P.1-M suweldo ng mga guro hinoldap
August 26, 2006 | 12:00am
CABAROQUIS, Quirino Tinatayang aabot sa P.1 milyon na sanay suweldo ng mga guro ang hinoldap ng mga maskaradong kalalakihan makaraang pasukin ang isang pampublikong paaralang sakop ng Barangay Zamora sa bayan ng Cabaroquis, Quirino, noong Miyerkules ng hapon.
Ayon sa pulisya, ang pagsalakay ng mga holdaper sa General High School ay itinaon sa uwian ng mga mag-aaral kaya hindi napansin ng nag-iisang security guard.
Napag-alamang binibilang ng dalawang kahera ng nabanggit na paaralan ang malaking halaga bilang pasahod sa mga guro nang tutukan ng baril ng dalawang holdaper.
Wala naman nagawa ang dalawang kahera kabilang na si Lucila Rosales, kundi ang ibigay ang nabanggit na halaga.
Ayon kay P/Senior Supt Pedro Cuntapay, police provincial director, bagamat nakamaskara ang mga holdaper ay nakilala pa rin ng pulisya batay sa pagsasalarawan ng dalawang kahera kung saan kabilang sa grupo ni Randy Nabayay na pawang holdaper na gumagala sa Quirino, Nueva Vizcaya, Isabela at Ifugao.
Matapos makakuha ng impormasyon ay agad na sinalakay ng pulisya ang pinagkukutaan ng mga suspek, bagamat walang inabutan ay kumpirmado naman na ang grupo ni Nabayay ang sumalakay sa nasabing paaralan matapos makuha ang ilang maskarang ginamit ng mga suspek sa modus operandi. (Victor P. Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended