^

Probinsiya

2 holdaper bulagta sa shootout

-
PLARIDEL, Bulacan – Karit ni kamatayan ang sumalubong sa dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na holdaper makaraang makipagbarilan sa mga tumutugis na pulis sa bahagi ng Barangay Bulihan sa bayan ang Plaridel, Bulacan noong Huwebes ng hapon.

Kabilang sa mga napatay ay nakilalang sina Rafael Mendoza y Sordilla, 29, ng Rosaryville, Sta. Cruz, Guiguinto, Bulacan; at Herminio Mendoza, 24, ng Barangay Viente Reales, Valenzuela City.

Ayon kay Police Supt. Sheldon Jacaban, hepe ng Provincial Intelligence Investigation Branch (PIIB), matagal na nilang tinutugaygayan ang mga suspek dahil na rin sa impormasyong nakalap tungkol sa dalawa na bumibiktima ng mga money changer sa Bulacan at karatig pook.

Napag-alamang hindi natuloy ang plano ng dalawa na holdapin uli ang money changer dahil natunugan na tinitiktikan sila ng mga pulis.

Agad na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong Kawasaki Barako 175cc na walang plaka, subalit naging alerto ang pulisya kaya nagkahabulan at nagkaputukan hanggang sa duguang bumulagta ang dalawa.

Nakarekober ang pulisya ng dalawang baril mula sa mga suspek, isang maliit na plastic sachet ng shabu, apat na basyo ng cal .38 at isang cellular phone.

Ayon kay Jacaban, karaniwang binibiktima ng dalawa ang mga bangko, money changer at mga taong nag-withdraw ng pera sa mga nasabing lugar. (Dino Balabo)

AYON

BARANGAY BULIHAN

BARANGAY VIENTE REALES

BULACAN

DINO BALABO

HERMINIO MENDOZA

KAWASAKI BARAKO

POLICE SUPT

PROVINCIAL INTELLIGENCE INVESTIGATION BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with