^

Probinsiya

6 Sayyaf patay sa encounter

-
CAMP CRAME — Bulagta ang anim na bandidong Abu Sayyaf, habang apat namang kawal ng Philippine Marines ang nasugatan sa patuloy na opensiba ng militar laban sa grupo ng mga bandido sa bahagi ng Patikul, Sulu kahapon. Sa pahayag ni Marine 3rd Brigade Commander Brigadier Gen. Juancho Sabban, dakong alas-4 ng madaling-araw nang lusubin ng mga sundalo ang pinagkukutaan ng mga bandidong Abu Sayyaf sa liblib na Barangay Kabuntakas Kaugnayan sa bayang nabanggit. Gayon pa man, inaalam ng militar ang mga pangalan ng napaslang na mga bandido na kabilang sa 80 Abu Sayyaf mula sa Basilan ang nakasagupa ng militar. Ang pagsalakay ay bahagi ng inilunsad na "Oplan Ultimatum " ng militar upang tugisin ang grupo ni Abu Sayyaf Chieftain Khadaffy Janjalani at ng mga Indonesian Jemaah Islamiyah terrorist na sina Dulmatin at Omar Patek na pawang mastermind sa 2002 Bali bombing sa Indonesia na ikinasawi ng 200-katao . Binigyang diin pa ni Sabban na patuloy ang crackdown operations ng tropa ng militar upang durugin ang nalalabi pang puwersa ng mga bandidong Abu Sayyaf na namumugad sa Sulu. (Joy Cantos)
3 bulagta sa bakbakan
CAMP CRAME — Sinalubong ni kamatayan ang isang kawal ng Phil.Army at dalawang rebeldeng New People’s Army makaraang magsagupa ang tropa ng militar at grupo ng mga rebelde sa liblib na bahagi ng Maayam Creek sa Barangay Bantawan, Gingoog City, Misamis Occidental kahapon. Kinilala ang sundalong nasawi na si Corporal Rogelio Caballes ng Army’s 8th Infantry Battalion, habang inaalam pa ang pagkikilanlan ng dalawang rebelde na kabilang sa grupo ni Kumander Alberto Mansiquiao. Kabilang sa narekober ay tatlong malalakas na baril, mga bala, granada at detonating cord. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF CHIEFTAIN KHADAFFY JANJALANI

BARANGAY BANTAWAN

BARANGAY KABUNTAKAS KAUGNAYAN

BRIGADE COMMANDER BRIGADIER GEN

CORPORAL ROGELIO CABALLES

GINGOOG CITY

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with