Retired US Navy, misis inambush

CAMP CRAME – Isang retiradong US Navy personnel at misis nito ang malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Brgy. San Jose, Guagua, Pampanga kamakalawa. Ang mga biktima ay sina Andrew Anderson, ret US Navy ng Oxnard, California at misis nitong si Luzviminda Anderson. Sa report ng Pampanga Provincial Police Office (PPO), dakong ala-1 ng hapon habang lulan ang mga mag-asawa ng kanilang behikulo at binabaybay ang nasabing lugar nang pagbabarilin ng mga ’di-kilalang suspek na nag-aabang sa tabing kalsada. Matapos paputukan ang behikulo ng mga biktima ay mabilis na tumakas ang armadong suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon. (Joy Cantos)

Show comments